Kumusta? Ako si Leroy. Isa akong pianist, composer, choral conductor, at movevement specialist (imbento ko lang na titulo dahil isa rin akong yoga teacher pero madami akong inaaaral tungkol sa agham ng human movement na walang kinalaman sa yoga). Itong site na ito ay simpleng lugar lang para pagsama-samahin ang mga ginawa ko sa paglipas ng mga taon — musika, sulatin, at mga guhit. Hindi ito para mag-promote o makapagbenta. Isa lamang itong imbakan para hindi magkahiwa-hiwalay o mawala ang mga gawa ko. Kung napadpad ka rito, malaya kang maglibot.